Paalam ko Sa’yo

Nasabi ko noon sa sarili ko
Hindi kita gagawan nang tula

Ayokong malunod sa mga tawa mo
Ayokong masanay sa presensya mo
Ayokong matulog sa mga unang basa pag alis mo.

Nangyari lahat nang yon
Ngunit ngayon pa lamang ako magsusulat
Isusulat ko ito para sayo

Sa pag alis mo nang walang paalam
Kasamang umalis ang pag asa sa puso
Na kaya ko pang magtiwala ulit
Na kaya kong magmahal muli.

Maraming tanong at akoy naguguluhan
Nang napagtanto kong lahat nang ipinakita mo ay
Kasinungalingan.
Masakit pero tanggap ko na
Naging masaya kahit naloko pa.
Saklap nang langit
Masakit parang hindi na makahinga.

Sa pagtulog ko naiiyak pa.
Sa lalim nang gabi
Pilit inaalis sa alaala
Huling pag uusap na nagdala nang sigla

Bakit naman umalis pa?
Bakit naman nagsinungaling pa?
Bakit nga ba dumating ka pa ?

Huwag ka nang bumalik ha ?
Kasi hindi na kita makikilala pa.

Maging masaya ka sana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s