That thing called Sagada

Baliw lang ang nagsabing sa Sagada mo makikita ang Tadhana. Hindi ka si Mace at walang Anthony na sasabay sa yo pagpunta mo ron.

Pero bakit nga ba ako dumako sa Sagada? Na sa pagkahaba haba ba naman ng byahe, inatake pa ako ng migraine.

DSC07428

Sa dinami rami nang aking dahilang binaon, tulad na lamang ng Sunset at Sunrise, isa lang naman ang punu’t dulo eh. Ang kalimutan ka.

Oo na. Talaga, Gusto ko nang kalimutan ka.

Sa hinaba haba nang byahe ang makikita mo lang ay bangin. At sa mga bangin gusto ko nalamang ihulog ang lahat nang damdamin ko para sayo.

Mabuti pa nga ang bus, may chance passenger. Eh ako sa puso mo, sa tinagal tagal ba naman nang panahon, hindi man lang nabigyan nang kahit katiting na tsansa.

DSC07494

At kasabay nang paglubog ng araw sa Lake Danum, pilit kong kinalimutan ang lahat nang alalala.

DSC07520

Binalot ako nang lamig kinagabihan kasinlamig nang ipinakita mo sa akin bago umalis. Kasinlamig na rin nang yelo na inilagay sa akin ng isang ale nang minsan mag order ng ice tea.

Lumaklak ako nang gamot para mapawi ang sakit nang aking ulo pero hindi ito kayang pantayan nang sakit mula sa aking puso. Sakit na dulot nang isang pag-ibig na hindi naman naging akin simula’t simula pa lamang.

Kasinsakit nang desisyong biglang paglayo kasi kung mananatili pa ako, mamatay na ako sa sakit.

Nakatulog akong basa ang mga unan at gumising na tuyo na ang mga ito.

At sa pagsikat nang araw sa Mt. Kiltepan, may dala itong bagong umaga. Bagong pag-asa na binaon ko sa aking pag-uwi.

DSC07618

Oo aaminin ko hindi kita nakalimutan sa Sagada pero iniwan ko sa malayong lugar na yon lahat nang masasayang alaala.
Na sa aking pag uwi, hindi na mabigat. Dito. Sa kaibuturan nang aking puso. Hindi na.

Ayoko na. Salamat Sagada.

DSC07673

Posted from WordPress for Android

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s