Hindi Tayo si Popoy at si Basha (my version)

Matapos kong basahin ang tula.

Naalala kita.
Naalala ko na katulad rin tayo nila.
Noon.
Pero sabi nga
Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Wala tayong One More Chance.

Tatlong taon na
Mula nang maghiwalay tayo.
Umaasa pa ako noon.
Mga pangako ng pagbabalik.
Napagod rin ako .
Isang taon rin akong nag move on
Sa tatlong buwang relasyon natin.
Akalain mo yon.
Ang tagal.
Kasi pinatay mo ang puso ko nun.
Minahal kita ng sobra.
At araw araw pa tayong nagkasama.

Kung babalikan ko ang alaala nang kahapon
Napapangiti na lamang ako.
Kasi umasa ako sa happy ending natin
Kaso naging tragic naman pala.
Wala palang fairy tales.
Kasi akala ko
Ikaw na ang Prince Charming ko.
Mali pala ako.
Hindi naman ako si Cinderella na iniidolo ko.
At wala ka ring puting kabayo
At hindi mo ako hahabulin pagsapit nang alas dose nang gabi.

Naghiwalay tao.

Grabeh ang sakit.
Muntik na akong namatay dahil sa sakit.
Natutulala ako sa araw araw.
Hindi ako makapagtrabaho nang maayos.
Kasi araw araw nararamdaman ko ang sakit.
Kasi naramdaman ko ang pagdurog ng aking puso
Na parang may aspile na nakatusok at nakabaon lang sa puso ko.
Nahirapan akong bumangon.
Ginusto kong mamatay.
Kahit saang bagay naaalala kita
Kahit saang sulok, nakikita kita na parang multo
Kahit sa pagtulog, panaginip kita.
At sa pag gising ko, nasa isip pa rin kita.
Ilang beses kong pinanood ang One More Chance
Ilang beses rin akong umiyak na parang bida sa pelikula
Pero hindi naging sapat para madaling gamutin ang sakit na dulot ng pag-ibig.
Hindi ko pinilit ang sarili kong kalimutan ka
Hindi kita makakalimutan kahit ngayon
Pero nakalimutan ko na ang damdamin ko sayo.
Kasi nga hindi na masakit ngayon.
Maayos na ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s